Si Mullah Nassreddin, o Mullah Nassr-e Din (na kilala rin bilang MND), ay ang tagapagkuwento ng mga katatawanan na laging maaalala ng mga Iranian buhat sa kanilang kabataan. Bagama't ang kaniyang pagkamamayan ay inaangkin ng maraming bands tulad ng Afghanistan, Turkey, at Uzbekistan, siya ay itinuturing na isang Iranian ng iba't ibang pandaigdigang Ramadhan ng mga dalubhasa sa pagsusulat ng mga anecdotal. May mga nagtuturing kay MND bilang simbolo ng alamat at inilalarawan siya bilang Isang mito.
URI NG PANITIKAN
Ito ay isang halimbawa ng anekdota. Ang anekdota ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao. Ito ay maikling kuwento ukol sa isang magandang karanasan na nag-iiwan ng aral. Dalawa sa mga halimbawa into ay "Sukatin Mo!" at "Sino ang Iyong Paniniwalaan?"
LAYUNIN NG AKDA Ang layunin ng akda ay mag-iwan ng mga kawili-wili at magagandang karanasan na nag-iiwan ng aral
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Isang Biograpikal ang kwentong ito sapagkat ito ay hango sa totoong pangyayari sa buhay ng may akda na si Mulla Nassredin.
TAUHAN Si Mullah Nassreddin, Mullah Nassr-e Din (na kilala rin bilang MND), ay ang tagapagkuwento ng mga katatawanan na laging maaalala ng mga Iranian buhat sa kanilang kabataan.
TAGPUAN
-Sukatin Mo!- Naganap ito sa isang tea house kung saan nag-usap sila Mullah at isang hindi kilalang tauhan.
-Sino ang Iyong Paniniwalaan- Naganap ito sa isang tarangkahan bakuran ni Mullah
NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
Sukatin Mo!
-Panimula: Nagpunta si MND sa teahouse.
-Saglit na kasiglahan: pinukpukpok niya ang pako sa hulihan ng kabisada ng kabutan buriko ng biglang may nagtanong.
-Suliranin: Mayroong dalawang tauhang nagtatalo sa kwento
-Tunggalian: tao laban sa tao
-Kasukdulan: Inilahad ni MND ang sentro ng kalawakan sa nagtanong at hindi siya pinaniwalaan nito.
-Wakas: Si Mnd ay lumisan na at nag iwan ng nakakatawang salita
Sino ang Iyong Paniniwalaan?
•Simula: nagpunta sa tarangkahan ni MND ang kanyang kapitbahay.
•Saglit na Kasiglahan: nagtungo sa labas si MND upang kausapin ang kapitbahay.
•Suliranin:Humindi si MND sa kaniyang kapitbahay na nais hiramin ang kaniyang buriko
•Tunggalian: tao laban sa tao.
•Kasukdulan: Narinig ng kapitbahay ni MND ang malakas na kalabog ng buriko.
•Wakas: Naisip ng kapitbahay na nagsisinungaling si MND at kaya tinanong siya ni MND nang .
MGA KAISIPAN O
IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Sukatin Mo!- Ang kaisipan o ideyang tinataglay nito ay ang ideya na mayroong mga pangayayari kung saan hindi sineseryoso ng isang tao ang pinaniniwala ng iba sapagkat hindi ito sineseryoso
ESTILO NG
PAGKAKASULAT
Ang estilo nito ay Buograpikal, sapagkat sinasabi na ang mga akda na kaniyang ginagawa ay hango sa karanasan.
BUOD
-Sukatin Mo!
Pumunta si MND sa teahouse,pinukpukpok niya ang pako sa hulihan ng kabisada ng kabutan buriko ng biglang may nagtanong ng
"Mullah, nasaan ang sentro ng kalawakan?"Sagot ni MND,
"Ang sentro ng kalawakan ay kung saan ko ipinukpok ang pako ng kabisada ng aking buriko."At may sumagot, " Hindi
ako naniniwala!"Lumagok ng tsaa si MND saka nagwika, "Kung hindi ka na niniwala, sige, sukatin mo!"
-Sino ang Iyong Paniniwalaan?
Isang kapitbahay ni MND ang nagpunta sa tarangkahan ng kanyang bakuran. Lumabas si MND para salubungin ang kanyang kapitbahay. "Maaari ba, Mullah," ang tanong ng kaniyang kapitbahay, "ipahiram mo naman sa akin ang iyong buriko? May mga kalakal lang akong dadalhin sa kabilang bayan." Ayaw ni NMD na ipahiram ang kanyang buriko sa kapitbahay niyang iyon, ngunit para hindi naman siya maging bastos, ang sabi niya, "ikinalulungkot ko, ngunit na pahiram ko na siya sa iba." Maya-maya at narinig ang malakas na atungal ng buriko sa likod ng bakuran. "Nagsisinungaling ka, Mullah!" pahayag ng kapitbahay. "nariyan siya sa likod ng pader!" "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni MND nang may pagsalungat sa tinuran ng kausap. "Sino ang iyong paniniwalaan, ang buriko o ang iyong Mullah?"
s